Biyernes, Hulyo 1, 2016

WIKA SA BANSANG PILIPINAS

            

[Photo not mine]

              Wika
? Ito ay bahagi ng ating kultura kung saan ito’y koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa at biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.


            May iba’t-ibang diyalekto na laganap sa bansang Pilipinas partikular sa mga rehiyonal na lugar kahit may iisang diyalekto na nakapangingibabaw sa bansa. Nakapaloob sa bansa ang yugto ng wikang nakasanayan sa bansang Pilipinas.

             Ito ay ang Wikang Pambansa, Wikang Pilipino, at Wikang Filipino. May mga iba’t-ibang batas sa Pagpapatupad ang Wikang Pambansa. Ilan dito ay ang na nagsasabing alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa “ Tagalog”. Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at pagtatakda ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pambayan at pampubliko --- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) at iba pa.

            Taon ang nakalipas, ang Wikang Pambansa ay napalitan ng Wikang Pilipino. Ang Wikang Pilipino ay binubuo ng mga yugto kung saan ang unang yugto ay kung kailan ang pangalang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong 1959 at ang ikalawang yugto naman ay nagsasabing kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973.

            At kahuli-hulihan ay ang Wikang Filipino na ayon sa Saligang Batas ng 1987, ito’y nagsasaad patungkol sa Filipino na ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas na  napabilang na rin ang wikang Ingles. Saligang Batas ng 1973, taon kung kailan pormal na pinagtibay ang wikang "Filipino" bilang wikang pambansa. Nagtakda ang batas  na ito ng panibagong wikang papalit sa Pilipino na tinatawag nating "Filipino". Nananawagan ito na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pag-aampon ng isang pangkaraniwang pambansang wika na kilala bilang "Filipino".

           
            Sa madaling salita, ang ating sariling wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomunikasyon ang isang grupo ng mga tao. Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. Kaya dapat pahalagahan at huwag ipagkaila ang wikang ating sinilangan. Ito ang sagisag ng pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.



By: Rhieza Jean A. Sumalpong  ABM C- Brilliance