[Photo not mine]
Wika? Ito ay bahagi ng ating kultura kung saan ito’y koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa at biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
May iba’t-ibang
diyalekto na laganap sa bansang Pilipinas partikular sa mga rehiyonal na lugar
kahit may iisang diyalekto na nakapangingibabaw sa bansa. Nakapaloob sa bansa
ang yugto ng wikang nakasanayan sa bansang Pilipinas.
Ito ay ang Wikang Pambansa, Wikang Pilipino,
at Wikang Filipino.
May mga iba’t-ibang batas sa Pagpapatupad ang Wikang Pambansa. Ilan dito ay ang
na nagsasabing alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184
sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa “ Tagalog”. Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang
Gramatika ng Wikang Pambansa at pagtatakda ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa
lahat ng paaralang pambayan at pampubliko --- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
(Abril 1, 1940) at iba pa.
Taon
ang nakalipas, ang Wikang Pambansa ay napalitan ng Wikang Pilipino. Ang Wikang
Pilipino ay binubuo ng mga yugto kung saan ang unang yugto ay kung kailan ang
pangalang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong 1959 at ang ikalawang
yugto naman ay nagsasabing kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang
pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong
1973.
At
kahuli-hulihan ay ang Wikang Filipino na ayon sa Saligang Batas
ng 1987, ito’y nagsasaad patungkol sa Filipino na ang pambansang wika at
isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas na
napabilang na rin ang wikang Ingles. Saligang Batas ng 1973, taon kung
kailan pormal na pinagtibay ang wikang "Filipino" bilang wikang
pambansa. Nagtakda ang batas na ito ng panibagong wikang papalit sa
Pilipino na tinatawag nating "Filipino". Nananawagan ito na gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na pag-aampon ng isang pangkaraniwang pambansang wika na
kilala bilang "Filipino".
Sa madaling
salita, ang
ating sariling wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomunikasyon ang isang
grupo ng mga tao. Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas
angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng
kasipan. Kaya dapat pahalagahan at huwag ipagkaila ang wikang ating sinilangan.
Ito ang sagisag ng pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.
By: Rhieza Jean A. Sumalpong ABM C- Brilliance
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento